Skip to main content
Kailangan ng bayan ang mga magmumulat sa mamamayan sa karahasan ng sistema sa ating lipunan.

Trahedya



Malamig na naman ang panahon. Isang patunay na maaaring umiyak ang mga ulap sa himpapawid. Nakakalungkot. Nakakakaba. Nakakaiyak. Naaalala ko noon, ay masaya ako, kasama ang sinisinta ko. Pero bakit ganito? Ano ang ginawa ko?
Nagising ako sa isang malakas na kalabog sa aming yero. Ano ang nangyayari? ang tanong ko sa aking sarili. Napatingin ako sa aming bintana na sobrang labo at walang pag-asa makita ang labas. Ang mga malalaking patak ng ulan ang nagiging sanhi nito. Carlos. Dalawang mala-kristal na butil ng tubig ang nag-unahang bumagsak sa aking mga mata papunta sa lapag. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinigil ang pag-iyak. Ngunit hindi, hindi ko kaya. Bakit ganito ang trato saakin ng langit? Ako'y parang isang anghel na itinaboy dahil sa aking naging asal. Isa akong hangin, na hindi alam kung saan tutungo. Hindi man nakikita, ngunit maraming nangangailangan.
Unti-unting bumalik sa aking isipang ang mga masalimuot na trahedya. Sa una'y masaya kami sa barkong sinasakyan namin. Kasama ko dito ang mahal kong si Carlos. Naglalaro kami ng baraha sa may gitnang lamesa sa restawran sa barko. Maraming tao ang abala sa pakikipag-usap na tila parang bang mga bubuyog na hindi matapos-tapos ang ingay. Hinawakan niya ang aking kamay. Hinalikan at hindi ibinaba. Makikita sa kanyang mga mata'y malungkot ito at may gustong iparating.
"Mahal kita," anya ni Carlos. "Anuman ang mangyari, ikaw parin ang laman ng puso ko."
"Nakakainis ka!" Sumbat ko na may halong ngiti sa labi. "Tara na't pumunta sa ating kwarto."
Balak ko nang umalis sa aking kinauupuan nang bigla niya akong pigilan. "Huwag, tayo'y maglakad-lakad muna." Hindi ko makitang masaya siya. Seryoso kumbaga. Sumang-ayon ako. Hinawakan niya ang kamay ko at lumakad palabas.
Napakalamig. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa barko. Malapit na kaya kami sa Leyte? Naupo kami sa isang mahabang kahoy na upuan malapit sa restawran. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa aking mga balikat atsaka inihiga ang ulo. Nag-usap kami tungkol sa aming karera pagkatapos namin sa kolehiyo. Gusto niyang maging inhinyero, ako'y maging isang manunulat. Nagtawanan kami, nagkulitan at nagkainisan ng sandali. Nakangiti na ang kanyang labi. Kumikinang ang dalawang mata hapang nakatingin saakin. Ilang sandali pa'y parang ako'y nasa labas ng mundo dahil sa masarap na paghalik niya sa aking labi.
"Walang makapag-hihiwalay satin." Ang sabay naming sabi.
Isang malakas na kulog ang narinig namin habang papasok na sa aming tulugan. Namutla ang aking mga labi at humawak sa kanyang braso para sa alalay. Ilang oras ang lumipas, siya'y nakatulog na at ako'y iniisip ang mga susunod pa naming plano pagdating sa bahay nila sa Leyte.
Maya't-maya, biglang umuga ang barko. Napabalikwas kami sa aming higaan. Maraming sigaw ang naririnig sa kabilang kwarto. Kumaripas kami ng takbo palabas, papunta sa ligtas na lugar. Malakas ang bagsak ng ulan, kumukulog, kumikidlat at parang may kung ano ang namumuo sa aming patutunguhan. Tumataas ang alon sa dagat. Pumunta kami sa may daungan, marami ang kumukuha ng mga bangka at binabagsak sa tubig. Pinipilit tumbahin ng alon ang aming sinasakyan. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Carlos at nakipag-unahan upang makaligtas kami. Sa hindi inaasahang pangyayari, ay napabitaw ako.
"Carlos! Hawakan mo ang kamay ko!" pilit kong inaabot ito sakanya ngunit hindi niya marinig dahil sa mga sigawan ng mga taong takot-na-takot. Dumagdag pa ang pag-alerto ng kapitan na sobrang lakas ng wang-wang.
Nakalapag siya sa bangkang sinasakyan ko rin. Nagyakap kami. Hindi namin nakita, may isang malaking alon ang paparating at patama sa amin. Dahil sa malakas na ulan marami ang nahulog sa dagat. Marami na rin ang napisang mga katawan.
Tumingin ako sa kanyang mga mata na puno nang luha. Itinulak niya ako sa malapit na hagdan paakyat sa barko.
"Carlos! Carlos! Hindi! Hindi!" ayan nalang ang aking nasabi at tuluyan na siyang inalon papalayo sa akin.

"Ikamusta mo nalang ako kay Mama at Papa. Pasabi na mahal ko sila! Mahal na mahal din kita, Max!" ayan ang mga katagang napakinggan ko na ni-rekord niya sa kanyang "cellphone" ilang oras ang nakalipas baka mangyari ang trahedya. Tuluyan akong umiyak at biglang dumilim ang paningin.
Nagising ako sa isang malakas na kalabog sa aming yero. Biglang napatingin sa bintana na puno ng patak ng ulan. Nakakalungkot. Umalis ako sa aking higaan at nang pagkalabas ko sa aking kwarto, ay isang pamilyar na mukha ang aking nakita. Singkit. Matangos ang ilong. Carlos! Akma ko na siyang yayakapin nang nagdilim ulit ang aking paningin.
Bigla akong nagising sa isang silid na maraming tao. Nasa eskwelahan ako? Tumingin ako sa paligid, Hindi totoo ang lahat, gawa lamang ito ng aking imahinasyon. Ang sabi ko sa sarili ko. Nakita ko si Carlos, ngumiti ito ngunit hindi sa akin, sa aking kaibigang si Isabel, na katabi ko. Walang kami. Masakit isipin ang pagbabalik sa realidad. Kung saan, ay pwedeng mangyari ang hindi mo iniisip.
Ako'y napaiyak na lamang dahil sa makatotoohanang panaginip.
Pahabol na sulat ng may-akda: Ginamit ng lalaki ang kapangyarihan niya upang mabalik ang oras at maging isang panaginip lang ang lahat para kay Max. Totoong hindi namatay si Carlos, pero totoong nangyari ang trahedya sa barko. Ngunit, tinanggal niya sa isip ni Max na sila'y magkasintahan.

Comments

Popular posts from this blog

My Coming Out Poem

We started talking from the day I feel disappointed about myself You gave me a little hope, You put a smile on my face, You even gave me something that I couldn't erase, And that's why my heart started to sing and to praise As time goes by, people around us noticed our closeness That each and every time I talk to you, all I can feel is fear and sadness Fear of what people might say Fear of you getting away Sad 'cause I have to hide this every day And hey! I'm sad for you will not feel what I feel, in the same way It is hard for a person like me to have feelings for you For you're the only one and yes you do Hard as I am afraid of everything that I do, Hard for I am a coward that cannot tell that I'm into you, And hard , since the society dictates that I cannot be with you One day, you told me that I have to rise up To face my fears and let the bad things stop I tried so hard , but I still flop From doing my best, and from reaching the top And so I wro...

Bagong Taon?

     Sa kalaliman ng gabing ito, ngayon pa hindi dumapo ang antok ko. Tila magulo ang isipan at gustong makipagsapalaran sa kadilima’t katahimikan.  Malapit na ang pagsapit ng bagong taon . Ang aking naisip pagkatingin sa kalendaryong nakasabit sa bukasan ng aking aparador.  Ibig sabihin lamang nito na bagong mga datos ang muling magpapatong-patong hanggang sa maubos na ang mga tao sa bansang ito.  Talamak na naman ang patayan dito sa amin. Nito lang ay may pinatay na tatlong kalalakihan at sabi-sabi’y mga tulak ng droga .  Ayon sa kapulisan. Ngunit nakapagtataka, dahil mayroong nakakita na kakilala ko ang nagkwento sa akin na mga naka-unipormeng lalaki ang tumambad sa tatlong ito, at ang masaklap pa, ay kilalang mga lumalaban ang napaslang. Hindi ba ito isang katiwalian? Uri ng pagpapatahimik?       Sinubukan kong pumikit. Ngayo’y tunog ng bentilador, at ng mga kuliglig na ang aking naririnig. Sa likod nito’y malawak pa rin a...

Relo

  Ako'y napabalikwas sa aking hinihigaan. Tumingin sa aking relo.  6:45  na ng umaga. Mahuhuli na ako sa aking klase . Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim, dinama ang sariwang hangin, pinalitan ang lahat ng mga negatibong iniisip sa positibo.  Mag-aayos na ako,  ang sabi ko sa sarili ko.   Ngayon ay ikaapat na araw ng buwan ng Disyembre. Ilang buwan nalang at ako'y makakapagtapos nang Hayskul. Iiwan ko na ang aking minamahal na paaralan. Ngunit, baka'y hindi ako makasabay dahil sa mga gawaing hindi pa natatapos o naaksiyunan. Natatakot ako . Natatakot ako na magalit ang aking mga magulang sa kanilang malalaman na ako'y hindi makapagtapos. Pero hindi, kakayanin ko 'to, ipapakita ko ang aking galing.      Nang matapos akong makapag-bihis ay bumaba na ako at kumain ng almusal. Itlog ulit ang aking kakainin. Wala bang ibang ulam na mailuluto si Nanay? Baka ako ay magkapigsa. Kinuha ko ang plato at sumandok ng kani...