Skip to main content

Posts

Showing posts from 2017
Kailangan ng bayan ang mga magmumulat sa mamamayan sa karahasan ng sistema sa ating lipunan.

Book Cover (If ever) and Cover Photo

BOOK COVER Photo from: https://newevolutiondesigns.com/50-free-hd-city-wallpapers Fonts: Eclipse, Champagne & Limousines by Lauren Thompson, Lemon/Milk by Marsnev Edited by: John Gerald Boac (Heraldo) COVER PHOTO Photo from: https://newevolutiondesigns.com/50-free-hd-city-wallpapers Fonts: Eclipse, Champagne & Limousines by Lauren Thompson, Lemon/Milk by Marsnev, Road Rage by Youssef Habchi Edited by: John Gerald Boac (Heraldo) Maraming salamat sa inyong pagbabasa! Nawa'y magkaroon ng lakas ng loob na gumawa ng pahina sa Facebook o kung saan man, at makapagbahagi pa.

Desidido

Nakakahilo Oo--Nakakahilo Mga larawan na paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan Bawat impormasyon, bawat karanasan, bawat pagmamahal na kinalimutan. Nakakaiyak Hindi ako naiiyak Ngunit bakit naluluha? Para lang ba ito sa wala? O para lang mapansin ng madla? Nakakabaliw Sobrang nakakabaliw Mga pangako mong nakakaaliw at halik na binigay ng aking ginigiliw Upang ako'y masaktan at mapanghinaan ng kalooban Desidido Sobrang desidido Na mawalay na sa buhay mo At matigil na ang buhay ko sa sobrang sakit na ibinigay mo Nung minsa'y naging tayo Magpapakamatay na ako Ayan lang ang nasabi ko At heto na ang gagawin ko Paalam na mahal ko Salamat din sa pananakit mo

Bakit Gusto Kong Maging Mapag-isa

Ang litrato na aking napili at ang napag-basehan para gawin ang tula Ako'y napailing hindi dahil sa galit, Kundi sa ako'y nasiraan na ng bait. Mahirap, masaya, nakakalungkot, madali, ang maging mapag-isa. Hindi ko na kaya-- gusto ko lang maging masaya. Pinipilit na huwag mag sakristan, upang ako'y hindi masaktan. Ngunit ang kanyang sinabi ako'y walang naitutulong na malaki. Mali, mali ang iyong iniisip, puso ko'y naninikip. Sana'y ang lahat nalang nito ay isang panaginip, At sana'y ang dilim ay tuluyan ng tumakip. Ang tulang ito ay isa sa mga tala namin para sa Filipino 9. Maaari kaming pumili ng isang kabanata mula sa Noli Me Tangere. At ang aking napili ay ang kabanata ni Basilio. Mayroon kaming litrato na kinuhanan at ayun ang pinagbasehan at kinonekta namin sa Noli.

Naniniwala Akong May...

     Marahil hindi niyo alam kung natatakot ba ako sa multo. Isa sa mga tanong ko sa aking mga kaklase at pamilya ay kung totoo ba talagang may masamang espiritu, mga engkanto at duwende na maaaring makasakit ng tao. Iisa lang lagi ang natatanggap kong sagot at iyon ay " Oo."  Walang paliwanag o anumang kabulastugan.      Malaki ang takot ko sa mga buhay na tao. Malamang, sa dinami-rami ba naman ng balita tungkol sa nakawan at patayan, isama mo na rin yung panggagahasa, sino bang hindi matatakot? Kahit nga naglalakad ka lang sa may kanto, isang iglap lang wala na yung pamasahe mo o pang-date mo pa. Nakakabagot at nakakawalang-gana na ang lahat ng nangyayari sa mundo. Pagdating naman ng buwan ng Nobyembre, ayan, diyan sila magaling. Nagkokolorete pa ng kung anu-ano, nakakatakot na nga sila, mas ginagawa pa nilang katakot-takot yung sarili nila. Nakakainis lang diba? Magsisimula na ako.      Isang linggo bago pa sumapit an...

Trahedya

Malamig na naman ang panahon. Isang patunay na maaaring umiyak ang mga ulap sa himpapawid. Nakakalungkot. Nakakakaba. Nakakaiyak. Naaalala ko noon, ay masaya ako, kasama ang sinisinta ko. Pero bakit ganito? Ano ang ginawa ko? Nagising ako sa isang malakas na kalabog sa aming yero. Ano ang nangyayari? ang tanong ko sa aking sarili. Napatingin ako sa aming bintana na sobrang labo at walang pag-asa makita ang labas. Ang mga malalaking patak ng ulan ang nagiging sanhi nito.  Carlos.  Dalawang mala-kristal na butil ng tubig ang nag-unahang bumagsak sa aking mga mata papunta sa lapag. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinigil ang pag-iyak. Ngunit hindi, hindi ko kaya. Bakit ganito ang trato saakin ng langit? Ako'y parang isang anghel na itinaboy dahil sa aking naging asal. Isa akong hangin, na hindi alam kung saan tutungo. Hindi man nakikita, ngunit maraming nangangailangan. Unti-unting bumalik sa aking isipang ang mga masalimuot na trahedya. Sa una'y masaya kami sa barkong ...

Tungkol kay Heraldo

Credits: Nathan Apulog, El Pueblo, Sta. Mesa, Manila PAGBATI! Maraming salamat at napadpad kayo sa aking blog. Ito ay pang-unang beses ko pa lamang gagawin. Ngunit, para saan ba ito?  PARA SAAN BA ITO? Noong una, ay hindi ko maintindihan kung ano ba ang dahilan kung bakit mayroong nagbo-blog, vlog, at kung anuman ang gusto pa nilang gawin. Nang dahil sa maimpluwensyang mundo na aking kinatatayuan, ay mas naging mulat ako sa mga bagay na ito. Alam kong wala pa akong alam masyado pero bakit hindi natin subukan? Ano ba ang gusto kong iparating kung bakit ako gumawa nito?  Simple lang, gusto kong ipamahagi ang bawat kuwento, tula, o basta mga akdang pampanitikan na aking nagawa at magagawa pa lamang. Gusto kong mag-kwento ng aking mga karanasan, nasasa-isip, at mag bigay ng mga opinyon tungkol sa mga bagay-bagay. Bagay-bagay na masasaya, malulungkot, nakakatakot, at iba pang may tsansa akong maisipan.  Noong taong 2015, sinimulan kong gawin i...

Relo

  Ako'y napabalikwas sa aking hinihigaan. Tumingin sa aking relo.  6:45  na ng umaga. Mahuhuli na ako sa aking klase . Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim, dinama ang sariwang hangin, pinalitan ang lahat ng mga negatibong iniisip sa positibo.  Mag-aayos na ako,  ang sabi ko sa sarili ko.   Ngayon ay ikaapat na araw ng buwan ng Disyembre. Ilang buwan nalang at ako'y makakapagtapos nang Hayskul. Iiwan ko na ang aking minamahal na paaralan. Ngunit, baka'y hindi ako makasabay dahil sa mga gawaing hindi pa natatapos o naaksiyunan. Natatakot ako . Natatakot ako na magalit ang aking mga magulang sa kanilang malalaman na ako'y hindi makapagtapos. Pero hindi, kakayanin ko 'to, ipapakita ko ang aking galing.      Nang matapos akong makapag-bihis ay bumaba na ako at kumain ng almusal. Itlog ulit ang aking kakainin. Wala bang ibang ulam na mailuluto si Nanay? Baka ako ay magkapigsa. Kinuha ko ang plato at sumandok ng kani...