Skip to main content
Kailangan ng bayan ang mga magmumulat sa mamamayan sa karahasan ng sistema sa ating lipunan.

Naniniwala Akong May...

     Marahil hindi niyo alam kung natatakot ba ako sa multo. Isa sa mga tanong ko sa aking mga kaklase at pamilya ay kung totoo ba talagang may masamang espiritu, mga engkanto at duwende na maaaring makasakit ng tao. Iisa lang lagi ang natatanggap kong sagot at iyon ay "Oo." Walang paliwanag o anumang kabulastugan.

     Malaki ang takot ko sa mga buhay na tao. Malamang, sa dinami-rami ba naman ng balita tungkol sa nakawan at patayan, isama mo na rin yung panggagahasa, sino bang hindi matatakot? Kahit nga naglalakad ka lang sa may kanto, isang iglap lang wala na yung pamasahe mo o pang-date mo pa. Nakakabagot at nakakawalang-gana na ang lahat ng nangyayari sa mundo. Pagdating naman ng buwan ng Nobyembre, ayan, diyan sila magaling. Nagkokolorete pa ng kung anu-ano, nakakatakot na nga sila, mas ginagawa pa nilang katakot-takot yung sarili nila. Nakakainis lang diba?


Magsisimula na ako.
     Isang linggo bago pa sumapit ang Nobyembre, isang karumaldumal ang naranasan ko. Aaminin ko, ngayon lang ako mas kinabahan at natakot nung ito'y mangyari sa akin.

     Alas sais nang gabi, naglalakad pa ako sa may kanto samin. Maraming puno ang nasa paligid, kung sainyo ay makabago na ang lungsod, saamin ay papunta palang sa ganoon. Inutusan ako ng nanay ko na bumili ng toyo para sa adobo niya. May handaan kasi sa bahay, kakarating lang ng Tito Daniel ko galing London. Hinanap niya kaagad yung adobo ng nanay ko. Ayun, nagmadali sya.

     Sobrang lamig noon, kung tutuusin, para ka na rin naka-aircon kapag nasa labas ka. Dinig mo ang ihip ng hangin at ang pagpagaspas ng mga puno. Maliwanag ang buwan at perpekto ang pagkabilog nito, yung mga ilaw sa bawat bahay ay malimit lang na magbigay liwanag sa kalsada. Natatakot ako baka biglang may sumulpot sa harap ko at pagsasak-sakin ako. Ayan lang ang naiisip ko palagi. Malapit na ako sa may tindahan ni Mareng Martha, sa wakas at may halakhakan akong naririnig. Hindi man gaanong malakas, pero nakakaalis ng kaba. Siguro sila Mang Ben pati yung mga kaibigan niya yun?

     Naglakad na ako nang mabilis at ayun nga sila! Nagiinuman.
     "Magandang gabi po, Mang Ben!" Ang sabi ko.
     "Magandang gabi din, utoy!" Sagot niya.
     "Matanong nga kita, sino yung babae sa likod mo kanina?" Ang tanong niya sakin sabay ang mahinang pagtawa.
     Napatigil ako sa harap niya, pinagpawisan ako. May gustong pumatay sakin, ayoko nang bumalik muna. "Kayo talaga Mang Ben, mapagbiro talaga kayo!" Tumawa nalang ako at bumili na ako ng toyo.

     Bago pa man ako makalagpas sa mga nag-iinuman, ay tinawag ako ng isang kasamahan nila na maraming puting buhok at sa sabi-sabi'y, maligno raw ang tatay. "Hijo, mag-ingat ka sa paglakad. Bagalan mo lang at baka may sumabay sayo kapag binilisan mo." Tumingin ito sa direksyon ko pero alam kong hindi sa akin siya nakatingin, malayo ang mga titig niya.

     Napatango nalang ako at sabay alis sa harap nila. Bakit kaya ganito ang mga tao rito? Nagpapadala sa takot. Grabe rin manloko. Nakakairita lang, kasi puro ganun ang paniniwala nila. Hindi nalang nila isipin yung mga mangyayari sa mundo natin, sa kapaligiran. 

     Sobrang lakas ng ihip ng hangin pagkapasok ko sa bahay, yung bintana namin na gawa lang sa kawayan ay biglang nagbukas. Laking gulat ni Nanay at napasigaw pa siya. Ako naman, ayun, nagulat sa gumalaw na anino sa labas. Baka ayun yung sinasabi sa akin nung matanda? Pero hindi eh, baka kung sino lang yun. Marami kasing dayo sa amin.
     Gulo-gulong gamit ang tumambad sa akin pagkapasok ko sa aking kwarto.


     "Nanay! May pumasok po ba sa kwarto ko?" Pagalit kong sigaw.
     "Wala, anak! Nakita mo namang nagluluto ako rito diba?" Sagot niya.
     "Ah, sige po," Ang nasagot ko nalang.
     Sinimulan ko nang linisin ang kwarto ko, mga ilang minuto ang lumipas at nang ako'y nagpapahinga na at nagsisialisan narin ang mga kaibigan ni Tito, ay biglang may sumitsit sa akin galing sa labas, mismong sa labas ng bahay. Napabalikwas ako sa aking higaan at napakunot ang noo. Mga pesteng bata na naman yan. Tumingin ako sa isang maliit na butas malapit sa aking kama upang malaman kung sinuman ang sumitsit. Tinitigan kong mabuti ngunit mga puno at ang bakuran lang ang nakita ko. Tinagalan ko pa ang pagtingin nang biglang may-
     "Nanay! Nanay! May matang pula ang tumingin sa akin! Nanay!" Ang sigaw ko. Kinakabahan ako kasi baka biglang pumasok sa bahay at pagba-barilin kami.
     Agad na pumasok ang nanay at si Tito Daniel sa kwarto ko. Naiiyak ako. Oo, naiiyak ako. Kinakabahan na ako. Sinabi ko sakanila na may biglang may tumingin na pula ang mata sa butas. Sinabi ko rin na baka magnanakaw yun at sana'y wag naman kaming pasukin. 

     Lumabas si Tito para alamin at tignan kung merong tao sa labas. Matagal-tagal siyang nagsubaybay at ako'y nagpapakalma. Biglang bumukas ang pinto ngunit hindi muna ako tumingin. Alam kong si tito yun pero baka hindi rin siya. Nang magsalita ito ay saka na ako naginhawaan.


     "Utoy, wala namang tao sa labas. Siguro si kumpare lang yun, tinatakot ka." Isang malakas na halakhak ang narinig ko pagkatapos niya iyun sabihin.
     "Pero Tito, pula ang mata. Sinitsitan pa nga ako eh," Pag-protesta ko. "Sabagay, baka lang napag-tripan ako.
     Nagtawanan lang kami nang isang oras nila Nanay. Nagkwentuhan sila tungkol sa mga katawa-tawang pangyayari noong kabataan nila. Pinagusapan din namin ni Tito yung mga lugar sa London. Napakaganda raw. Perpekto. Pero may mga lugar na hindi mo magugustuhan, dahil sa mga tao. Kaya ang sabi ko nalang, kailangan ko munang makapunta roon para maniwala ako. Tinawanan lang ako.

     Paakyat na ako papunta sa kwarto at bigla akong napatingin sa may kusina. Nakatayo roon ang isang babae. Hindi ang nanay ko. Pula ang mga mata nito at nakangiti nang pilit na para bang may tahi ito. Lapnos ang mga balat sa braso at gumagalaw ang ulo sa kaliwa't-kanan. May mahihinang halakhak at nakatingin nang diretso sa mata ko. Nanlambot ang katawan ko. Hindi ako makaakyat nang mabilis. Naiiyak ako. Ano nangyayari rito? Sino 'to? Bakit may ganito? Ito ba ang sinasabi nilang multo? Unti-unting naglakad ang babae patungo sa hagdanan. Wala akong maramdaman na kung ano, pati ang paligid ko. Sobrang tahimik, at tila paghinga ko lang at ang mahihinang halakhak niya ang madidinig. 

     Gumapang ako, pinilit kong makaakyat. Isa-isa ang paghakbang niya. Panginoon, tulungan niyo po ako! Diyos ko po! Nang mabuksan ko ang pinto, ay nakatakbo ako patungo sa kama. Tinakluban ko ang buong katawan ko ng kumot at pumikit. Umiiyak na ako nang sobra. Tinignan ko ang buong paligid ko, manipis lang ang gamit ko kaya kita mo nang kaunti ang labas. Wala na ang babae. Sa wakas! Humiga na ako pero hindi ko pa rin inaalis yung kumot. Hindi ako makatulog. May kakaibang enerhiya ang pumipigil sa aking pumikit. 

     Sinubukan kong alisin ang nakatalukbong sakin, tumingin agad sa may dakong kanan. Madilim doon. Pinipilit kong alisin sa isipan ko na wala na yung babae. Wala na. Nasan na ang Nanay at ang Tito? Bakit parang wala akong naririnig sakanila? Gising-na-gising pa sila ah? Dahil nga wala na ang takot ko, bumaba ako. Nakapatay ang ilaw? Nakakapagtaka. 
     Inisip ko nalang na tulog na sila. Pero bago pa 'ko magbukas ng pinto, ay may sumitsit na naman saakin. Napatigil ako at unti-unting tumingin sa pinanggalingan.
Wala siya sa kaliwa ko.

Ikaw ba? Nasa kaliwa mo ba siya?

     May mga bagay na hindi rapat paniwalaan. Pero mas maraming bagay ang kailangan. Sa mundong ito, maraming hindi pa mabigyan nang maayos na paliwanag.

     Para sayo, ano ang mas paniniwalaan mo? Ang sarili mo, o ang mga naririnig mo sa iba't-ibang baryo na nagbibigay takot sa bawat tao? Maging mapagsiyasat at mapagmatiyag ka sa kapaligiran. Malay mo, may sumusunod na pala sayo. Malay mo rin, binabantayan ka nila.       Ngunit ano nga ba ang mas matimbang? Ang paniniwala mong walang multo, o ang paniniwala mong may iba pang nilalang na nakikihalubilo saatin? 
(c) 2015 John McGerald

Comments

Popular posts from this blog

My Coming Out Poem

We started talking from the day I feel disappointed about myself You gave me a little hope, You put a smile on my face, You even gave me something that I couldn't erase, And that's why my heart started to sing and to praise As time goes by, people around us noticed our closeness That each and every time I talk to you, all I can feel is fear and sadness Fear of what people might say Fear of you getting away Sad 'cause I have to hide this every day And hey! I'm sad for you will not feel what I feel, in the same way It is hard for a person like me to have feelings for you For you're the only one and yes you do Hard as I am afraid of everything that I do, Hard for I am a coward that cannot tell that I'm into you, And hard , since the society dictates that I cannot be with you One day, you told me that I have to rise up To face my fears and let the bad things stop I tried so hard , but I still flop From doing my best, and from reaching the top And so I wro...

Bagong Taon?

     Sa kalaliman ng gabing ito, ngayon pa hindi dumapo ang antok ko. Tila magulo ang isipan at gustong makipagsapalaran sa kadilima’t katahimikan.  Malapit na ang pagsapit ng bagong taon . Ang aking naisip pagkatingin sa kalendaryong nakasabit sa bukasan ng aking aparador.  Ibig sabihin lamang nito na bagong mga datos ang muling magpapatong-patong hanggang sa maubos na ang mga tao sa bansang ito.  Talamak na naman ang patayan dito sa amin. Nito lang ay may pinatay na tatlong kalalakihan at sabi-sabi’y mga tulak ng droga .  Ayon sa kapulisan. Ngunit nakapagtataka, dahil mayroong nakakita na kakilala ko ang nagkwento sa akin na mga naka-unipormeng lalaki ang tumambad sa tatlong ito, at ang masaklap pa, ay kilalang mga lumalaban ang napaslang. Hindi ba ito isang katiwalian? Uri ng pagpapatahimik?       Sinubukan kong pumikit. Ngayo’y tunog ng bentilador, at ng mga kuliglig na ang aking naririnig. Sa likod nito’y malawak pa rin a...

Relo

  Ako'y napabalikwas sa aking hinihigaan. Tumingin sa aking relo.  6:45  na ng umaga. Mahuhuli na ako sa aking klase . Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim, dinama ang sariwang hangin, pinalitan ang lahat ng mga negatibong iniisip sa positibo.  Mag-aayos na ako,  ang sabi ko sa sarili ko.   Ngayon ay ikaapat na araw ng buwan ng Disyembre. Ilang buwan nalang at ako'y makakapagtapos nang Hayskul. Iiwan ko na ang aking minamahal na paaralan. Ngunit, baka'y hindi ako makasabay dahil sa mga gawaing hindi pa natatapos o naaksiyunan. Natatakot ako . Natatakot ako na magalit ang aking mga magulang sa kanilang malalaman na ako'y hindi makapagtapos. Pero hindi, kakayanin ko 'to, ipapakita ko ang aking galing.      Nang matapos akong makapag-bihis ay bumaba na ako at kumain ng almusal. Itlog ulit ang aking kakainin. Wala bang ibang ulam na mailuluto si Nanay? Baka ako ay magkapigsa. Kinuha ko ang plato at sumandok ng kani...