![]() |
| Ang litrato na aking napili at ang napag-basehan para gawin ang tula |
Ako'y napailing
hindi dahil sa galit,
Kundi sa ako'y nasiraan na ng bait.
Mahirap, masaya, nakakalungkot, madali,
ang maging mapag-isa.
Hindi ko na kaya--
gusto ko lang maging masaya.
Pinipilit na huwag mag sakristan,
upang ako'y hindi masaktan.
Ngunit ang kanyang sinabi
ako'y walang naitutulong na malaki.
Mali, mali ang iyong iniisip,
puso ko'y naninikip.
Sana'y ang lahat nalang nito ay isang panaginip,
At sana'y ang dilim ay tuluyan ng tumakip.
Ang tulang ito ay isa sa mga tala namin para sa Filipino 9. Maaari kaming pumili ng isang kabanata mula sa Noli Me Tangere. At ang aking napili ay ang kabanata ni Basilio. Mayroon kaming litrato na kinuhanan at ayun ang pinagbasehan at kinonekta namin sa Noli.

Comments
Post a Comment