| Credits: Nathan Apulog, El Pueblo, Sta. Mesa, Manila |
PAGBATI!
Maraming salamat at napadpad kayo sa aking blog. Ito ay pang-unang beses ko pa lamang gagawin. Ngunit, para saan ba ito?
PARA SAAN BA ITO?
Noong una, ay hindi ko maintindihan kung ano ba ang dahilan kung bakit mayroong nagbo-blog, vlog, at kung anuman ang gusto pa nilang gawin. Nang dahil sa maimpluwensyang mundo na aking kinatatayuan, ay mas naging mulat ako sa mga bagay na ito. Alam kong wala pa akong alam masyado pero bakit hindi natin subukan?
Ano ba ang gusto kong iparating kung bakit ako gumawa nito?
Simple lang, gusto kong ipamahagi ang bawat kuwento, tula, o basta mga akdang pampanitikan na aking nagawa at magagawa pa lamang. Gusto kong mag-kwento ng aking mga karanasan, nasasa-isip, at mag bigay ng mga opinyon tungkol sa mga bagay-bagay. Bagay-bagay na masasaya, malulungkot, nakakatakot, at iba pang may tsansa akong maisipan.
Noong taong 2015, sinimulan kong gawin itong blog na ito. Dahil sa maraming gawain sa pamantasan, hindi ko na napansin at naantabayanan.
SINO BA SI HERALDO?
Si Heraldo ay isang karaniwan na binata na nag-aaral sa isang kilala na unibersidad sa Pilipinas. Kilala sa mga paglaban nito at sa linya ng himno nito na: "gagamitin ang karunungan, mula sa iyo, para sa bayan."
Mahilig siyang magbasa ng libro, manood. Mga tipikal na gawain.
May pangarap na maging isang manunulat na makakapagbigay kasiyahan at mapaiisip sa mga taong babasa ng kanyang mga akda. Marami pa akong pangarap pero gagawin ko ang lahat para makatulong, at magkaroon ng pagbabago.
Comments
Post a Comment